Pangalawang beses na naging biktma ng nakaw. Nung una ay noong August 2013, akyat bahay yon. Ngayon naman, ninakaw yung battery ng sasakyan na naka park sa labas. Sa tagal ng pag park namin, ngayon lang…

August 2013, ilang araw bago ako mag-birthday…

Out of town sina mama and papa nung panahong yon. Si kuya naman, nagboboard sa may opisina nya so kami lang ni Ate ang umuuwi ng bahay.

Ako yung huling lumabas ng bahay ng umagang yon. Paglabas at pag lock ko ng gate, I had an uneasy feeling. Buong umaga sa opisina, uneasy ako at… sige sabihin ko na, feeling ko may mangyayaring masama. Ganun yung feeling ko noon pero di ko lang pinapansin. Inisip ko lang na ang nega ko, kelangan mag isip ng positive para ok ang lahat.

Dumating ang hapon at napagkasunduan namin ni Ate na kumain na lang sa labas. Nagkita kami sa MTS and we had dinner there. She worked near the house but during lunch she planned on going home kasi najejebs siya. Buti nawala kaya di na sya umuwi.

When we arrived home after dinner, I think it was around 8pm na, everything was in order. Ate, I think went inside mama and papa’s room. I went straight to the kitchen to get a glass of water (I think). Ate then went upstairs. While in the kitchecn, I found this metal thing just near the back door. I picked it up and I was thinking, “Asan naman ‘to galing?”. It was strange seeing something like that kasi it was the first time I saw something like that and sa kithchen ko pa nakita. It was really strange then I checked the door and found out na nasira ang barrel bolt ng door. I called ate, sabi ko sira ang door. We checked mama’s room, then we noticed the steel cabinet’s lock were all broken, yung sheet cover na naka tuck, nakalabas na. The door, the door may mark ng forced entry kasi it was locked. Natakot kami ni ate and we called our kapitbahay pati si Kuya.

I felt violated and unsafe. It was the worst feeling ever. But then we were thankful kasi wala kami si bahay when that happened. I am thankful kasi Ate was there with me and that I was not alone.

May 22, 2016

Kumakain ako ng breakfast and ate informed me na ninakaw daw yung battery ng sasakyan. Late akong gumising kaya binalita na lang ni ate sa akin.

Kagabi, may bibilhin sana si papa kaso di umandar ang sasakyan. Bumalik sya sa bahay tapos sinabih kami. Sabi nya, bago pa daw ang battery nun. Nagkafeeling na ulit ako. Sabi ko sa sarili ko, baka ninakaw ang battery pero eto na naman ako, binalewala ko lang. Then the news this morning was, WOW!

Wala namang nangyari dun sa pagreport namin sa police nung una kaming ninakawan. Wala namang nahuli at wala ding naibalik sa amin. Hindi ko naman masisisi ang gobyerno. Di naman nila may kasalan nyan.

Hindi ko lang maintindihan kung anong kaledad meron ang mga tao ngayon. Ako, tamad pero hinding-hindi magnanakaw. Yung iba, masipag na magnanakaw! Punyeta!

Advertisements