I usually watch kalyeserye with my sister. You see, she introduced me to Yaya Dub and Alden’s love story. On rare occasions, I watch it alone and today was one of the rare one.

Here’s the episode today, September 29, 2015.

When she arrived from work, I asked her if she had the chance to watch but since something happened to a patient, she only saw the earlier part. In other words, team replay siya and had to watch on Youtube. It was late when she finally finished it and pinuntahan niya ako while I was feeding Rafa and Rambo (She does not usually disturb me but not this time, she told me ‘Magsturya ta unya’ or mag-usap tayo maya.

Na-excite ako when I heard that. You see, AlDub talk excites me. Ang babaw pero it does.

I needed to watch it again since di ko naman dinamdam yung episode kanina – usually after watching an episode, I search it on Youtube and watch countless times. Malala! Pero ganon talaga. Nawala yung interest ko sa episode kanina instead inulit ko yung September 26. [I always do the extreme when I’m hooked with something. The last series was Loving Never Forgetting ni Jerry Yan. I would even choose marathon over sleeping for the next day’s work. Malala talaga ako sa mga ganito.]

Anyway, nung natapos ko na, umakyat ako and there, my sister seated on my white chair while checking her email. I asked her on her thoughts and pabiro nyang sabe, ‘Wala lang’. I know my sister too well and she too with me. Admittedly, sobrang open ako sa mga talks and listening to different perspectives to the point na ang dali ko din maconvince. 😦 Struggle and struggling. So inunahan ko na….pero eto yung mga kinonsider namin.

Critical points:

Lola Tinidora: Alden, promise mo, wag mong lolokohin si Yaya.
Lola Nidora: I agree to that.
Lola Tinidora: Alden, gugulpihin kita. Babasagin ko muka mo, kala mo ha.
AllanK: Mas wild pala ito.
Vic: Balian mo ng mukha.
Lola Nidora: Kalma Tinidora.
Lola Tinidora: Talagang mas wild ako, namasukan ako Alden. Ha yung….

Adlen’s Dubsmash: Akin ka na lang, akin ka na lang….
Yaya’s FS: Sure ka?
Alden’s FS: Sure na sure!

Aldens’ FS: Lola may sasabihin po ako.
Lola Nidora: Ano yon? Pero teka, tatawagn ko muna si Riyana.
(Lola Nidora speaking with Riyana)

Lola Nidora: Ano yung sasabihin?
Alden’s FS: May sasabihin po ako…. mamaya na yang sasabihin mo. Magsugod bahay na tayo.

And a lot so you have to watch the video.

My POV:

Naka subscribe ako sa Twitter accounts ng dalawa. I have time to be a stalker just like the rest. I also check their IG accounts to get the feel. I just want to confirm my thoughts on this phenomenon. Totohanan na ba o aktingan lang that is why I’m so into this.

To start with, feeling ko may laman yung sinasabi ni Lola Tinidora. Mukhang hindi scripted. Tingin ko din merong something off. I felt na parang lagi nilang kinacut-off si A. Mukang hindi aktingan yon. Ang alam ko lang, may mali. Feeling ko tuloy may ipagtatapat si A. Ganito siguro naisip ko dahil din sa tweet ni M earlier on. If you are so into this, magfefeeling detective ka and solving the mystery.

And I keep on asking kung ano ang ibig sabihin ni A when he posted ‘TULOY ANG FOREVER!!!’ sa IG account niya.

Big deal din sa akin yung FS ni M… ‘Sure ka?’ Parang ang dating, she’s asking and at the same time challenging A.

So at this point, I’m thinking, this is for REAL.

POV ni Ate:

My sister is a thinker and she is saying na isa syang Psychologist – that meaning she read minds.

Her comment was, parang naging harsh yung sabi ni Lola Tinidora dun sa part na upakan. Mukhang hindi kasi scripted. She felt na nakalimutan na ni Jose na aktingan ang lahat. If you have been watching ‘All for Juan and Juan and for All’, maiintidihan mo kung paano sila magbiruan at magbatuhan. Iba! Minsan kasi, biro na may laman at isa to sa mga biro na sigurado kaming may laman – o baka kami lang ang nagiisip non?

Naawa din sya kay Alden at ang feeling niya najjudge na sya ng mga tao. Sabi niya, tama naman ang mga sagot ni Alden sa mga interview or appearances niya – this referring to StartStruck question by a contestant. Wala syang nakikitang mali don at ang OA lang ng mga tao. Hindi pa naman nya kilala talaga si M, love na agad? Dagdag niya, magkaiba ang mga napagdaanan ng mga tao at malamang, THINKER si Alden more than he prioritizes his feelings and that is the reason why he does not jump into the REAL thing.

I watched the video for nth times while writing this at ang sabi ni Lola Nidora, ang pag-ibig ninyo ay pang sugod bahay lang…which confused me but I took it as, OK! Aktingan lang ito at totoong pang Kalyeserye lang.

Ang totoo kasi, ang hirap lang madistinguish kung saan yung real at reel. Dati, ang alam ko, yung mga reactions lang nila ang totoo. Sabi din ng iba, pati FS, sila sila lang. Ngayon kasi nakakalimutan ko na may script silang sinusundan at bawat galaw nina A at M ay dikta ng mga writers. May mga ilan-ilan na alam mong lumilihis sa script pero ito, iba ‘to.

Why do I think this way? 

Maine has a blog and she posted personal stuff there. Nothing wrong with it – sure ako! But when you incorporate her personal wishes and thoughts sa kalyeserye, iba na yon. When you mix the truth and the art of acting, talaga macoconfuse ka. Hinalo na yung real sa reel. An example of which I’m saying is when A gave M a hand written card for their monthsary or I think it was one of their weeksaries. I’m not sure if the writers initiated it or might be A took time reading her blog and decided to give that AND that is an instance when you pause and ask… aktingan lang ba ito o totohanan na? Another thing is when ‘Maine’ and not Yaya Dub was used to call her. Worst, when called her by her nickname, Meng and continues to call her during the kalyeserye, after that September 26, panliligaw. Again, this might be the writer’s decision? Those and other things confuse us. I’m also thinking baka some other fans just try to connect everything and that’s the feed I’m getting? The times when you inject personal stuff to a series, that’s confusing… atleast for me.

Our final decision:

We want Kalyeserye to end. I mean gusto namin na matapos na ang kwento, para ng sa gayon, makilala na nina A at M ang isat-isa at gusto din namin na matapos na para matapos na din tong kahibangan namin sa kanila.

Ang tagal naming napag-usapan ang nangyare at ang layo na ng tinakbo from how ate started being a fan of loveteams to our personal lives. We really don’t know what’s happening behind the camera and baka naman wala talagang ganap. We can only write what we want and think what we want to think and interpret things the way we want to interpret them. At the end of this, maaring MALI ANG BASA NATIN. So we should agree to this ‘Seat back, relax and just enjoy the show’. 🙂

Kung maging sila man, masaya! At kung hindi man, ok lang. After all, pinakilig naman nila tayo diba?!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s